
Nakisaya ang Cruz vs. Cruz stars na sina Vina Morales at Gladys Reyes sa It's Showtime ngayong Huwebes (July 24).
Kabilang ang seasoned stars sa “Board Members” ng segment na “Escort Mo Show Mo” kasama ang komedyanteng si Divine Tetay.
Ipinamalas din nina Vina at Gladys ang kanilang husay sa pag-arte nang inakto nila ang kanilang karakter na sina Felma at Hazel sa GMA Afternoon Prime series na Cruz vs. Cruz. Nakisali rin sa kanilang aktingan si Divine Tetay bilang Manuel.
Labis din ang pasasalamat nina Vina at Gladys sa mga sumusuporta sa kanilang pinagbibidahang serye.
“Mga Kapuso, salamat po sa mainit na pagsuporta at pagtanggap n'yo sa amin sa Cruz vs. Cruz. Tumutok po kayo sa amin dahil sigurado tataas ang level ng gigil ninyo lalo na kay Hazel,” ani Gladys.
Dagdag ni Vina, "Kung tense na tense kayo sa pasabog namin ni Gladys sa aming social media, na abangan n'yo naman, nakita n'yo 'yon di 'ba. Eh mas intense ang magiging labanan namin [bilang] Felma at Hazel, kaya tutok lang sa Cruz vs. Cruz."
Kasalukuyang napapanood sina Vina at Gladys sa Cruz vs. Cruz mula Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Related gallery: The cast of 'Cruz vs. Cruz' stuns in blue at the GMA Afternoon Prime Grand Media Day
Samantala, subaybayan ang It's Showtime mula Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.