
Tila nadehado si Felson Palad nang ibahagi ng asawa niyang si Donita Rose na virgin pa siya sa isang panayam.
Sa katunayan, naging most searched pa ang bansag sa kaniyang “The Virgin Husband” noong araw ng interview ng dating aktres.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, September 12, tinanong ni King of Talk Boy Abunda ang naging reaksyon ni Felson noong pag-usapan nila ni Donita ang tungkol sa pagiging virgin niya.
“Tinawagan ko siya agad, sabi ko, 'Huy, parang dehado ako dun, a?' Kasi nakita ko 'yun, if you don't know, sa Google, I was the number one searched that day, "the virgin husband." I was like, 'Parang dehado ako dun,'” pagbabahagi ni Felson.
Pagbabahagi ni Donita, questionable pala para sa mga kalalakihan ang pagiging virgin nila sa edad na 37 dahilmaaari umanong babaero ang isang lalaki, o gay.
Saad ni Felson, deliberate at conscious effort ang pagiging virgin niya dahil bilang isang youth and worship pastor sa church, “I have to walk the talk.”
“But then again, like I said, hindi naman din ako inosente. You know, I have my fair share of rebelliousness but I did not come to a point to give myself away,” sabi ni Felson.
Sang-ayon naman ang batikang host dito, at sinabing marami na dapat binabasag na stereotypes ngayon.
“Hindi dahil sa nakaugalian, nakagisnan ay lahat, tama," ani Boy.
MAS KILALANIN PA SI FELSON SA GALLERY NA ITO:
Matapos ibahagi nina Donita at Felson ang kanilang relasyon, hindi naiwasan na nakatanggap sila ng mga kritisismo. Kabilang na dito ay ang pagiging virgin ni Felson sa edad na 37.
Nang tanungin siya ng batikang host kung papaano niya hinarap ang mga kritisismo na ito, sagot ni Felson, “I cannot change their thoughts about me, but I can always change my acts.”
Inamin din ni Felson na pinakanapikon siya sa lahat ay noong kuwestyunin ang kaniyang gender identity.
“Well, of course, definitely 'yung identity na 'yung gender mo, ina-ask kahit na hindi naman nila ako kilala. Kasi, 37 ka na, bakit virgin pa," paglalahad ni Felson sa huli.