GMA Logo Female and male dance stars
Photo source: Stars on the Floor
What's on TV

Female at male dance stars sa 'Stars on the Floor,' nagpasiklaban!

By Karen Juliane Crucillo
Published August 14, 2025 8:05 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Newly released inmate takes partner, son hostage in Lapu-Lapu City
China carrier battle group, amphibious ship spotted off PH north, east coasts
A new landmark rises in the heart of Binondo

Article Inside Page


Showbiz News

Female and male dance stars


Pinasiklab ng female at male dance stars ng 'Stars on the Floor' ang dance floor sa kanilang energetic na performances.

Nag-init ang dance floor ng Stars on the Floor noong Sabado, August 9, at naging usap-usapan ang mga performances sa special episode nito.

Sa gabing na-reveal ang final dance star duos, nagpasiklab muna ng kani-kanilang talento ang female at male dance stars para sa kanilang all-girls at all-boys performance.

Nag-ala girl group sina Glaiza De Castro, Thea Astley, Faith Da Silva, Dasuri Choi, at Kakai Almeda sa kanilang femme dance performance habang nakasuot ng nagniningning na pink outfits.

Ayon sa female dance stars, sobra silang natutuwa dahil sabay-sabay silang nagre-rehearse dahil sa nakalipas na mga episodes, hindi pa sila nagkakaroon ng pagkakataong magkakasama.

"Parang at the end of the day, we're still friends and we uplift each other, so ayun naman talaga 'yung essence ng prod na ito," sabi ni Glaiza.

Samantala, ang male dance stars naman ay nagpasabog ng kapogian na ibinida ang kanilang "strengths."

Hindi nagpahuli sina Rodjun Cruz, VXON Patrick, Zeus Collins, JM Yrreverre, at Joshua Decena sa kanilang sizzling performance suot ang black suits.

Napansin din ng male dance stars sa isa't isa ang ibinigay nilang 100 percent sa performance.

"Actually, kapag kasama ko ang mga broskis ko, kasi may mga time na nagchi-chill ako na gusto ko lang swabe pero kapag tumitingin ako sa kanila, grabe 100 percent kaya kailangan ko humabol," biro ni Rodjun.

Sa special episode, nag-perform din ang dance authorities na sina Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, Dance Comedienne of the Dance Floor Pokwang, at Dance Trend Master Coach Jay pati na rin ang host na si Alden Richards.

Patuloy na abangan ang hatid na pasabog ng final dance star duos sa Stars on the Floor tuwing Sabado, 7:15 p.m. sa GMA.

Samantala, balikan dito ang mga naging top dance star duos sa Stars on the Floor: