GMA Logo Nagbabagang Luha female star celebrate International Womens Day
What's Hot

Female stars ng 'Nagbabagang Luha,' nakiisa sa International Women's Day

By Jansen Ramos
Published March 8, 2021 7:35 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PH embassy: No policy changes yet on dual citizenship in US
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Nagbabagang Luha female star celebrate International Womens Day


Nakiisa ang female stars ng upcoming GMA series na 'Nagbabagang Luha' na sina Glaiza De Castro, Gina Alajar, Claire Castro, Myrtle Sarrosa, at Karenina Haniel sa International Women's Day (IWD) sa pamamagitan ng pagtaas ng kanilang kanang kamay bilang simbolo ng pagtataguyod ng gender equality, alinsunod sa tema ng IWD ngayong taon na #ChooseToChallenge.

Nakiisa ang female stars ng upcoming GMA series na Nagbabagang Luha sa selebrasyon ng International Women's Day (IWD) ngayong Lunes, March 8.

Sa post na ito, makikita sina Glaiza De Castro, Gina Alajar, Claire Castro, Myrtle Sarrosa, at Karenina Haniel na nakataas ang kanilang kanang kamay bilang simbolo ng pagtataguyod ng gender equality, alinsunod sa tema ng IWD ngayong taon na #ChooseToChallenge.

Isang post na ibinahagi ni gmanetwork (@gmanetwork)

Bagay sa kwento ng Nagbabagang Luha ang tema ng IWD dahil tinatalakay sa serye ang katatagan ng isang babae sa kabila ng mga mabibigat at sensitibong sitwasyong kinakaharap niya.

Hango ito sa classic '80s movie na may parehong pamagat na idinerehe ng National Artist for Cinema na si Ishmael Bernal.

Ang pelikula ay pinagbidahan ng mga respetado at batikang aktor sa industriya na sina Gabby Concepcion, Alice Dixson, at Lorna Tolentino.

Sa TV adaptation ng Nagbabagang Luha, gagampanan ni Glaiza ang papel ni Lorna na si Maita.

Sobra-sobra at todo buhos kung magmahal si Maita, na kaya niyang ibigay at gawin ang lahat para sa pamilya at sa asawa.

Isang ulirang anak at kapatid si Maita. Gayunpaman, makukuha pa rin siyang pagtaksilan ng kanyang nakakabatang kapatid.

Si Rayver Cruz ang gaganap sa karakter ni Gabby, si Alex.

May hero complex si Alex kaya naman naniniwala siyang kaya niyang pagtagumpayan at makuha ang kahit ano'ng pinaghirapan niya.

Wala sa bukabularyo ni Alex ang pagkabigo kaya guguho ang mundo niya nang masira ang kasal kay Maita.

Ipakikilala rin sa naturang serye ang 22-year-old rising star na si Claire Castro, anak ng '90s stars na sina Diego Castro at Raven Villanueva.

Dahil sa kanyang mala-inosenteng mukha, ibinigay sa kanya ang role ni Alice, si Cielo.

Dahil lumaking uhaw sa atensyon ng ina at ama, pilit na maghahanap ng pagmamahal si Cielo sa ibang tao, lalo na sa mga lalaki, na magdudulot ng hidwaan sa pagitan niya at ng nakakatandang kapatid na si Maita.

Kabilang din sa stellar cast ng Nagbabagang Luha sina Mike Tan Alan Paule, Archi Adamos at Royce Cabrera.

Ang Nagbabagang Luha ay mula sa direksyon ni Ricky Davao.