GMA Logo Unang Hirit
What's Hot

Feng Shui tips para maging maswerte ang 2024, alamin

By Kristian Eric Javier
Published December 31, 2023 3:50 PM PHT

Around GMA

Around GMA

BTS reunites for a celebration ahead of Christmas
Content creator Arshie Larga reveals his biggest investment in 2025
Girl rescued, hostage-taker killed in Marawi City

Article Inside Page


Showbiz News

Unang Hirit


Alamin kung paano magiging masagana ang paparating na 2024.

Isa sa mga nakagawian ng mga tao ay alamin kung paano mapapaganda ang pagpasok ng Bagong Taon at ngayong 2024, alamin ang mga puwedeng gawin upang ma-attract ang suwerte at masaganang takbo ng taon, lalo na para sa pamilya, sa tulong ng isang Feng Shui expert.

Sa Unang Hirit, ibinahagi ng Feng Shui Expert na si Jean Yu Chua na mainam na maglagay ng mga natural stones at crystals gaya ng clear quartz at amethyst sa kusina para sa mabuting kalusugan, at para mabalanse ang enerhiya ng fire element na kusina para maging mas malusog ang mga kakain.

Mabuting lucky charm din umano ang basket of prosperity na may lamang bigas na maaaring ilagay sa Southeast sector ng living room para makaakit ng wealth at abundance sa buong 2024.

SAMANTALA, ALAMIN KUNG SINONG MGA KAPUSO STARS ANG AABANGAN SA GMA SHOWS SA 2024:


Bukod dito, maaari ring bihisan ng pulang punda ang mga unan. Paliwanag ni Jean, “Red pillow with an image of a dragon is to invite the prosperity luck for the whole family. May image of dragon kasi alam natin dragon is an image of power, success and victory.”

Ayon din kay Jean ay kulang ang water element sa 2024 kaya mainam na maglagay ng water feature sa sala, o kung wala ay crystals, para maakit ang good money flow para sa taon.

Para naman sa centerpiece, dahil Wood Dragon ang 2024, pwedeng maglagay ng victorious dragon o kahit anong imahe ng dragon. Puwede ring gumamit ng mga kurtina na red, yellow o blue, na lucky color para sa taon.

Dagdag pa ni Jean, puwedeng samahan ito ng siyam na imahe ng dragon bilang charms dahil number nine umano ang “most powerful number” sa 2024.

“This coming 2024, the number nine is the most powerful number, that's why you can hang nine pieces of dragon to enhance the power, the success and the prosperity,” sabi niya.

Panoorin ang buong segment ng Unang Hirit dito: