GMA Logo Fernando Carrillo and Korina Sanchez
PHOTO SOURCE: Fast Talk with Boy Abunda
What's on TV

Fernando Carrillo, inamin na naka-date si Korina Sanchez

By Maine Aquino
Published June 8, 2023 6:40 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DongYan, Barbie Forteza, more Kapuso stars and celebs ring in Christmas
Man nabbed for alleged illegal sale of firecrackers in Zamboanga City
Bagong steel hanging bridge, handog ng GMA Kapuso Foundation sa Rodriguez, Rizal | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Fernando Carrillo and Korina Sanchez


Kinumpirma ng Venezuelan star na si Fernando Carrillo ang kanilang naging date ni Korina Sanchez noon.

Sa pagbisita ni Fernando Carrillo sa Pilipinas ay napanood siya sa Fast Talk with Boy Abunda at dito kinumpirma niya ang naging dinner date nila ni Korina Sanchez noong taong 2000.

Si Fernando ay isang Venezuelan star na na nakilala sa pagganap niya sa karakter ni Fernando Jose sa Mexican telenovela na Rosalinda.

Tanong ni Boy Abunda ay kung nakipag-date na ba siya noon sa isang Pinay. Sagot naman ni Fernando, "I think I dated once. A very smart Filipino lady."

Sinundan ito ng pag-amin ni Fernando. Saad niya sa kaniyang exclusive interview nitong hapon, "I have huge respect for Korina, for Korina Sanchez."

Dugtong pa ni Fernando, "I respect her very much, and we did an amazing interview once upon a time in Miami. And then I came to the Philippines once and we went to have a dinner, I believe, and with some friends."

Taong 2020 nang inamin naman ni Korina ang kanilang naging date ng Venezuelan actor na si Fernando.

Patuloy naman na tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda pagkatapos ng The Seed of Love sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.