What's on TV

Fiancé ni Kris Bernal na si Perry Choi, may request sa kanilang kasal

By Maine Aquino
Published November 16, 2020 4:51 PM PHT

Around GMA

Around GMA

39 areas to experience 'danger' heat index on May 31, 2026 —PAGASA
Farm to Table: Classic Pinoy dishes
Gazini Ganados needs 100k votes for MGI All Stars

Article Inside Page


Showbiz News

kris bernal perry choi


Panoorin ang nakatatawang hirit ni Perry Choi kay Kris Bernal kung bakit ipagpapaliban muna nila ang kanilang kasal.

Matapos kumbinsihin ni Kris Bernal ang kanyang fiancé na si Perry Choi, pumayag na itong lumabas sa telebisyon para pag-usapan ang kanilang kasal.

Ibinahagi nina Kris at Perry ang kanilang wedding plans sa Legaspi family nang mag-guest sila Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition.

Ayon kay Kris, napilitan silang palitan ang wedding date nila dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari.

"Na-move lang yung date ng wedding namin. Supposed to be May 2021, because that's my birth month...Sa mga nangyayari, nawalan kami ng time to prepare kasi, siyempre, ang dami ring na-move na weddings."

Photo source: Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition

Natawa naman si Kris nang ibahagi ni Perry ang kanyang dahilan kung bakit kailangan nilang i-postpone ang kanilang kasal.

Biro ni Perry, "Hindi pa ako handa."

Dagdag naman ni Kris, nais sana nilang sabay ang kanilang kasal sa pagtatapos ng ipagagawang bahay.

"Na-move talaga siya kasi kasabay sana nung wedding 'yung finished na rin sana yung house construction. Pero dahil hindi pa nasimulan, nasa planning pa lang, so lahat talaga delayed," ani Kris.

Samantala, nag-request ang aktres kay Perry na makasama ang kanyang mahal sa buhay at makapagsuot ng magandang wedding gown sa kanilang special day.

"It's just a simple wedding, pero my only request sana lahat ng nandoon. My friends, my family, and then I want a beautiful gown. Gusto ko mukha akong princess, 'yun lang request ko."

Request naman ni Perry kay Kris, "Basta hindi mainit."

Panoorin ang kanilang nakatutuwang kuwentuhan plus tour sa House of Gogi sa Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition video sa itaas.

Sarap, 'Di Ba?: Kris Bernal, ipinasilip ang kanyang Korean restaurant! | Bahay Edition

Sarap, 'Di Ba?: Kris Bernal shares her home workout routine! | Bahay Edition