
Isang malaking karangalan para sa Filipino-American actress na si Aina Dumlao na gampanan ang isang Filipino nurse na si Girlie Bernardo sa medical drama series na Grey's Anatomy.
Sa panayam ni Nelson Canlas kay Aina, kinuwento ni Aina na hindi niya inaasahang ang magiging responsibilidad ng kanyang trabaho.
Kuwento niya, "Nung napili ako na i-play si Girlie, hindi ko fully na-realize kung gaano kabigat 'yung responsibilidad at saka 'yung honor pa that comes along with it."
"Pero as soon as lumabas na 'yung episode and maraming nag-contact sa akin na Filipino all over the world, na-realize ko na napakalaking honor siya, napakalaki ng emotional impact niya."
Sa katunayan, hindi lang mga simpleng tao ang nagpapadala ng mensahe kay Aina dahil maraming Filipino nurses sa buong mundo ang nagbigay ng mensahe.
Dagdag ni Aina, "Base on sa lahat ng mga natanggap kong messages mula sa Filipino nurses all over the world, finally, they feel seen."
"Finally, they feel na nakikita ng buong mundo, nakikita ng mga tao dito sa Amerika na lahat ng sakripisyo nila ay hindi siya all for naught.
"Sa lahat ng mga Filipino nurses, salamat. Salamat sa lahat ng mga sakripisyon niyo."
Another Filipina
Bukod kay Aina, gumagawa rin ng pangalan sa Hollywood si Nicole Santiago na gumanap rin bilang Filipino nurse sa series na Bob Hearts Abishola.
Sa katunayan, tumatak sa mga manonood ang sinabi ng karakter ni Nicole na si Jane kay Abishola na "bruha."
Paliwanag ni Nicole, "Kasi hindi ka naman makakarinig ng Tagalog-speaking sa mga TV dito. So napakaimportante talaga sa akin nung role din na 'yun. At saka sobrang proud rin ako."
Dahil dito, naniniwala si Nicole na unti-unti nang nabubuksan ang pinto para sa Pinoy performers sa ibang bansa.
"Bumubukas na 'yung mundo para sa atin. So, nagkakaroon na tayo ng representation.
"At pwede na tayong managinip na magiging artista din tayo sa Hollywood."
Bukod sa kanila, kilalanin pa ang ibang pang Hollywood celebrities na may dugong pinoy: