
Tampok ang Filipina actress na si Noreen Joyce Guerra sa “Mars of the Hour” segment ng Mars Pa More at ibinahagi nito ang kanyang pinaka-memorable na K-drama appearance.
Ayon kay Noreen, ito ay ang hit Korean zombie series na All Of Us Are Dead.
PHOTO COURTESY: joyce_in_korea (IG)
“Memorable po siguro was 'yung All Of Us Are Dead kasi 'yun 'yung sumikat sa Pilipinas,” ani Noreen.
Ayon sa 30-year-old actress, kabilang siya sa high school students ng Hyosan High School sa All Of Us Are Dead.
Bukod dito, ibinahagi rin ni Noreen kung paano siya naging isang background actor sa South Korea.
Kwento niya, “Bale pumunta po ako rito as a student. So, hindi siya part ng plan ko na maging part ng entertainment industry. So, there was this opportunity that came lang and ginrab ko lang po. And do'n po nag-start na lumalabas na ako sa mga K-drama.”
Magandang experience raw para kay Noreen ang makatrabaho ang mga K-drama actor na sina Kim Seon-ho, Hyun Bin, at Park Bo-gum.
Lumabas na si Noreen sa halos 80 Korean shows gaya ng All Of Us Are Dead, Hospital Playlist, Itaewon Class, True Beauty, Extraordinary You at marami pang iba.
Para sa mas marami pang celebrity features tulad nito, subaybayan ang finale week ng Mars Pa More, 8:45 a.m., sa GMA.
Samantala, tignan ang ilang Pinoy celebrities at ang kanilang Korean star look-alikes sa gallery na ito.