
Naghatid ng electrifying at energetic performance ang award-winning American hip-hop group na Black Eyed Peas sa naganap nilang concert kagabi (August 27) sa Mall of Asia Arena.
Pinerform ng nasabing group ang kanilang hit songs tulad ng "Let's Get It Started," "Rock That Body," "Imma Be," "Boom Boom Pow" at iba pa. Lalong natuwa ang Filipino crowd nang lumabas ang 2NE1 member na si Sandara Park at nag-perform kasama si Apl.de.Ap. sa stage.
Inanunsyo rin ng member na si J.Rey Soul sa event ang kanyang Filipino roots at aniya'y nagbago ang kanyang buhay nang isama siya ni Apl.de.Ap bilang singer ng grupo.
Sa panayam ni Athena Imperial kay J. Rey para sa "Unang Balita," ibinahagi ng singer na espesyal ang concert ng Black Eyed Peas dahil magpe-perform siya muli para sa kanyang kapwa Pinoys.
"Imagine 20 years old ka galing sa Pilipinas and then you step into a legendary group like that right. So it's a lot of pressure. That Filipino spirit was in me like, you know us Filipinos, we're fighters, we're resilient, and no matter what we're gonna show up and show out," pagbabahagi niya.
Dagdag pa niya, "Actually like growing up with my singer friends, like I've built a family and community nung bata ako sa Pop Star Kids. I remember I was performing with Julie Anne San Jose and Rita [Daniela] as well."
Ayon pa sa report, bago ang naganap na concert ay bumisita ang Black Eyed Peas sa hometown ni Apl.de.Ap sa Angeles, Pampanga at ipinakita ang mga pagkaing inihanda ng nanay ng huli.
SAMANTALA, ALAMIN ANG IBA PANG UPCOMING CONCERTS NGAYONG 2025 SA GALLERY NA ITO.