
Sa isang pambihirang pagkakataon, muling napanood sa TV ang OPM icon at Filipino folk rock legend na si Joey Ayala nang mag-perform siya sa longest-running noontime show sa bansa na Eat Bulaga.
Kahapon, July 13, nasaksihan at napakinggan muli ang musika ni Joey sa nasabing programa kasama ang bagong lumad.
Ayon kay Joey, mahalaga na tangkilikin ng mga Pinoy ang OPM at i-promote ito gaya ng ibang international music.
Aniya, “Kailangan nating i-promote ng very good ang OPM. Kapag hindi natin i-promote, magpalit na lang tayo ng passport. Pero dahil Pilipino tayo, tangkilikin ang sariling atin.”
Nagpapasalamat naman si Joey sa Eat Bulaga sa pag-imbita sa kaniya upang muling makapag-perform at mapanood sa TV.
“Maraming salamat na inimbita kami rito sa 'Eat Bulaga,' at sana makabisita naman kayo sa aming gigs,” ani Joey.
Magkakaroon naman ng bagong album si Joey na ire-record live sa vinyl na gaganapin sa July 20 at August 15 sa 70s Bistro.
Samantala, hindi naman ito ang unang pagkakataon na nag-imbita ang Eat Bulaga ng Pinoy music artists, dahil isa sa idinagdag na segments sa noontime show ay ang araw-araw na kantahan kasama ang iba't ibang singers at musicians.
Dahil dito, nagiging daan ang Eat Bulaga upang mas makilala ang maraming mahuhusay na local bands and artists sa bansa.
Tumutok sa Eat Bulaga, Lunes hanggang Biyernes, 12:00 noon, at tuwing Sabado, 11:30 a.m. sa GMA.
KILALANIN NAMAN ANG IBA PANG OPM HIT-MAKERS NA WALANG APELYIDO ANG SCREEN NAME SA GALLERY NA ITO: