
Masaya at excited na ikinuwento ng TikTok star na si Argie Roquero ang kanilang naging pag-uusap ng international singer at pop icon na si Rihanna sa Instagram.
Unang nakilala si Argie sa mga nakakabilib niyang dance moves sa kanyang TikTok videos. Tumatak din sa kanyang fans at followers ang sementadong pader at mga kulungan ng manok na kanyang ginawang background habang sumasayaw.
@argieroquero dc:@itsweezhoe
♬ Talk N Bout (Talm Bout) [feat. Lil Jay] - Loui
Ang isa nga sa kanyang mga TikTok entry, napansin ng multi-billionaire singer na si Rihanna at agad pang nag-follow sa kanya sa Instagram.
Nitong Lunes, October 4, inilabas ni Argie ang screenshots ng pag-uusap nila sa Instagram. Una raw na nag-message si Argie.
“Hi i love youuuuu” message ng TikToker na agad namang sinagot ni Rihanna “But how I love you more?!!!” reply ng singer.
Tinanong pa ng singer kung saan nakatira si Argie. “Where you live?” tanong niya. “Philippines” sagot naman ng TikToker na ikinatuwa ni Rihanna.
“I KNEW IT!!! Yo background be giving me island vibes like Barbados!” reply ng singer.
Ang Barbados ay isang isla sa Caribbean Sea kung saan ipinanganak si Rihanna.
Sa gitna ng kanilang pag-uusap, nag-Tagalog pa ang pop icon para kay Argie.
“Mahal din kita,” mensahe ni Rihanna para kay Argie.
Kamakailan ay nakatanggap din si Argie ng ilang regalo mula sa isang fashion brand na pagmamay-ari ni Rihanna.
Panoorin ang buong vlog na ito ni Argie, dito:
Samantala, silipin naman sa gallery na ito ang ilang celebrities na maswerteng nakasama ang kanilang international idols: