
Hindi na mapigilan ang excitement ng netizens dahil malapit na ang pinakahihintay na final dance battle sa Stars on the Floor!
Sa social media, inulan ng mga komento mula sa netizens ang countdown ng programa para sa grand finale. Noong una, inamin ng dance universe na nalulungkot sila sa nalalapit na pagtatapos ng show dahil isa ito sa mga paborito nilang panoorin tuwing Sabado na talaga namang nagbibigay saya sa kanila.
Ngayon, todo-cheer naman sila sa kanilang paboritong dance star duos. Halata na rin ang kanilang excitement sa final performances at sa kung sino ang tatanghaling ultimate dance star duo.
Narito ang ilan sa mga reaksyon ng netizens sa final dance battle ng Stars on the Floor:
Sa October 11 episode, nakapili na rin ang dance star duos ng kanilang final coaches na tutulong sa kanila na marating ang tuktok.
Abangan ang huling COLLABanan sa Stars on the Floor ngayong Sabado, 7:15 p.m. sa GMA!
Samantala, balikan dito ang mga naging top dance star duos sa Stars on the Floor: