
Handa na ba kayo sa pinakaunang tapatan ng final dance star duos sa Stars on the Floor?
Ngayong Sabado, August 16, magtatagisan muli ang dance stars sa dance floor, ngunit may panibagong twist sa bawat performance ng final dance star duos.
Ang unang mag-duo na sina VXON Patrick at Kakai Almeda ay sasabak sa dancesport jive gamit ang baston.
Hindi naman magpapahuli ang duo nina Rodjun Cruz at Dasuri Choi sa kanilang kakaibang lyrical jazz performance gamit ang kama bilang props.
Mahirap man na-assign na props kina Thea Astley at Joshua Decena, ibibida nila ang isang sako ng bigas at bilao para sa kanilang litefeet performance--pero game na game pa rin ang dalawa.
Samantala, first time naman ni Faith Da Silva na magpe-perform ng hiphop kasama si Zeus Collins, gamit ang kanilang props na duffel bag.
Sina Glaiza De Castro at JM Yrreverre naman ay magbibigay inspirasyon sa kanilang interpretative dance gamit ang ladder.
Ipinakilala ang final dance star duos noong Sabado, August 9, kasabay ng special performances ng dance authorities, hosts, at dance stars sa isang special episode ng Stars on the Floor.
Patuloy na tutukan ang mainit at exciting na performances ng final dance star duos sa Stars on the Floor tuwing Sabado, 7:15 p.m. sa GMA.
Samantala, balikan dito ang naging top dance star duos sa Stars on the Floor: