GMA Logo SOTF poster
What's on TV

Final dance star duos, ibibida ang Pinoy Pride sa sayawan!

By Karen Juliane Crucillo
Published August 23, 2025 5:31 PM PHT

Around GMA

Around GMA

VP Sara Duterte: Let’s build a more compassionate PH
Farm to Table: (December 7, 2025) LIVE
Car driven by cop falls into ravine in Balamban, Cebu

Article Inside Page


Showbiz News

SOTF poster


Ipapakita ng final dance star duos ang galing at talento ng mga Pinoy pagdating sa sayawan sa 'Stars on the Floor' ngayong Sabado, August 23.

Matapos ang kanilang unang challenge sa Stars on the Floor, ipagmamalaki naman ng final dance star duos ang pagiging isang Pilipino.

Ngayong Sabado, August 23, ibabandila nila sa dance floor ang Pinoy Pride sa pamamagitan ng iba't-ibang dance genres na magpapakita ng Tatak Pinoy.

Noong nakaraang linggo, na-challenge ang final dance star duos sa kanilang performance gamit ang mga props tulad ng baston, kama, sako ng bigas at bilao, duffle bag, at hagdan.

Ang nagtanghal ng kakaibang galing sa dance authorities sa pinakaunang challenge ay sina Glaiza De Castro at JM Yrreverre, na itinanghal bilang 6th top dance star duo matapos gamitin ang hagdan sa kanilang emosyonal na interpretative dance.

Sino kaya ang susunod na magwawagi bilang 7th top dance star duo ngayong gabi?

Abangan yan sa Stars on the Floor tuwing Sabado, 7:15 p.m. sa GMA.

Samantala, balikan dito ang mga naging top dance star duos sa Stars on the Floor: