GMA Logo SOTF poster
What's on TV

Final dance star duos, magkakaroon ng world tour sa dance floor

By Karen Juliane Crucillo
Published September 6, 2025 3:57 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Impeach rumors vs Marcos ‘shapeless,’ says Adiong
Check out the scenes from the Miss World Philippines press presentation
Brgy. chairman, nephew killed in Cotabato shooting

Article Inside Page


Showbiz News

SOTF poster


Tunghayan ang iba't ibang kultura dahil lilibutin ng final dance star duos ang buong mundo ngayong Sabado, September 6.

Handa na ba kayo sa isang dance trip around the world sa Stars on the Floor?

Ngayong Sabado, September 6, ihahatid ng final dance star duos ang isang kakaibang world tour sa pamamagitan ng kanilang killer dance moves na magpapakita ng samu't saring kultura mula sa iba't ibang panig ng mundo.

Mula Western, Eastern, hanggang Asian countries, bawat hakbang sa dance floor ay magiging parang paglalakbay na puno ng indak at enerhiya.

Noong nakaraang linggo, nagwagi sina Faith Da Silva at Zeus Collins bilang 8th top dance star duo dahil sa kanilang kwelang performance na inspired sa pelikulang White Chicks.

Sino kaya ang magwawagi ngayong linggo at magdadala sa dance authorities sa kakaibang biyahe?

Abangan yan sa Stars on the Floor tuwing Sabado, 7:15 p.m. sa GMA.

Samantala, balikan dito ang mga naging top dance star duos sa Stars on the Floor: