
Handa na ba ang dance universe na mag-time travel sa Stars on the Floor?
Ngayong Sabado, October 4, sasayawin ng dance star duos ang iba't ibang era ng sayaw na parang isang paglalakbay pabalik sa nakaraan.
Mula '70s hanggang early 2000s, tunghayan sila na maghatid ng throwback grooves na siguradong magdadala ng saya!
Noong nakaraang episode, sina Glaiza De Castro at JM Yrreverre ay itinanghal bilang 12th top dance star duo na naghatid ng apoy gamit ang elementong fire sa kanilang performance with heels.
Sino kaya ang magtatagumpay na magpamalas ng golden era ng sayaw? At sino kaya ang tatanghaling 13th top dance star duo?
Abangan 'yan sa Stars on the Floor tuwing Sabado, 7:15 p.m. sa GMA.
Samantala, balikan dito ang mga naging top dance star duos sa 'Stars on the Floor':