
Tuloy tuloy na ang hatid na excitement sa Stars on the Floor dahil nakapareha na lahat ng dance stars ang isa't isa!
Sa isang special episode noong Sabado, August 9, na-reveal na ang final dance star duos na magtatagisan sa hatawan sa dance floor.
Narito ang final dance star duos na aabangan sa Stars on the Floor:
VXON Patrick at Kakai Almeda
Rodjun Cruz at Dasuri Choi
Thea Astley at Joshua Decena
Faith Da Silva at Zeus Collins
Glaiza De Castro at JM Yrreverre
Nag-perform din sina Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, Dance Comedienne Pokwang, Dance Trend Master Coach Jay, at host na si Alden Richards kasama ang celebrity at digital dance stars sa special episode.
Sa mga susunod na episode, mas magiging mainit ang labanan dahil magsisimula na ang totoong pagsubok ng talento at determinasyon.
Tutukan ang matinding COLLABanan sa Stars on the Floor tuwing Sabado, 7:15 p.m. sa GMA.
Samantala, balikan dito ang mga naging top dance star duos sa Stars on the Floor: