GMA Logo Stars on the Floor
What's on TV

Final dance star duos, susubukin sa matitinding obstacles!

By Karen Juliane Crucillo
Published October 11, 2025 3:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Barricade mulled below flyover, as DPWH sought to pay P1.9M debt
XG's Cocona undergoes top surgery, comes out as AFAB transmasculine non-binary
Farm to Table, pinarangalan ng Anak TV Seal

Article Inside Page


Showbiz News

Stars on the Floor


Habang papalapit ang finale, mas titindi ang laban para sa final dance star duos sa 'Stars on the Floor'.

Ang labanan sa Stars on the Floor ay mas magiging mainit pa!

Ngayong Sabado, October 11, haharap sa iba't ibang obstacles ang final dance star duos para subukin, hindi lang ang kanilang galing sa pagsayaw, kundi pati ang diskarte, teamwork, at passion sa bawat galaw.

Ano kaya ang pakiramdam ng mawalan ng kamay, binti, mata, o kakayahang tumayo, at tanging upper body na lang ang kayang igalaw?

Sa kabila nito, ipapakita ng final dance star duos na kahit anong pandama o bahagi ng katawan ang mawala, hindi mawawala ang ritmo at puso sa pagsayaw.

Noong nakaraang episode, sina Glaiza De Castro at JM Yrreverre ang nagwagi bilang 13th top dance star duo matapos maghatid ng 80s inspired performance.

Sino kaya ang magtatagumpay na ipakita ang kanilang buong abilidad? At sino kaya ang tatanghaling 14th top dance star duo?

Tutukan 'yan sa Stars on the Floor tuwing Sabado, 7:15 p.m. sa GMA.

Abangan ang ultimate dance showdown ngayong October 18!

Samantala, balikan dito ang mga naging top dance star duos sa 'Stars on the Floor':