GMA Logo Finale episode ng Abot Kamay Na Pangarap
Courtesy: GMA Network
What's on TV

Finale episode ng 'Abot-Kamay Na Pangarap,' abangan ngayong Sabado

By EJ Chua
Published October 18, 2024 4:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

15-anyos nga dalagita, napalgang patay | One Mindanao
Ombudsman, nagsampa ng kasong malversation at graft laban kay Bong Revilla at 6 na iba pa
Gabbi Garcia's photos from 2016 that prove she is a true it girl

Article Inside Page


Showbiz News

Finale episode ng Abot Kamay Na Pangarap


Huwag palampasin ang pagtatapos ng medical drama series na 'Abot-Kamay Na Pangarap.'

Mahigit dalawang taong nakasama ng Pinoy viewers ang afternoon medical drama na Abot-Kamay Na Pangarap.

Milyun-milyon ang talaga namang araw-araw na tumutok sa naturang serye.

Sa pagtatapos nito, kaabang-abang kung ano ang mangyayari sa buhay ng inspiring mom-and-daughter na sina Lyneth at Analyn, ang mga karakter nina Carmina Villarroel at Jillian Ward.

May pag-asa na bang mabuo pamilya ni Dra. Analyn kasama ang kanyang mga magulang na sina Lyneth at Doc RJ (Richard Yap)?

Hindi rin dapat palampasin kung ano ang mangyayari kay Moira, ang main kontrabida na ginagampanan ni Pinky Amador sa serye.

Ano rin kaya ang buhay na naghihintay para sa anak nina Carlos (Allen Dizon) at Moira (Pinky Amador) na si Dra. Zoey (Kazel Kinouchi)?

Samantala, ano pa kaya ang pangarap ni Dra. Analyn na posibleng matupad sa pagtatapos ng kwento?

Abangan ang mga kasagutan sa finale episode ng Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood ngayong darating na Sabado, October 19, 2:30 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

LOOK: Celebrity guests star in 'Abot Kamay Na Pangarap'