
Patuloy na sinubaybayan ng maraming manonood ang unang pagtatambal nina Sparkle stars Derrick Monasterio at Elle Villanueva sa GMA Afternoon Prime series na Return To Paradise.
Sa nasabing serye, binigyang buhay ng Kapuso hunk ang role bilang Red Ramos habang gumanap naman ang Sparkle actress bilang Eden Santa Maria. Napanood din dito ang matinding hidwaan sa pagitan ng kanilang mga ina na sina Amanda (Eula Valdes) at Rina (Teresa Loyzaga).
Sa mga nakaraang episode, matatandaan na iba't ibang karakter sa serye ang binawian ng buhay tulad ni Lucho Madrigal (Allen Dizon) na nabaril ng isa sa mga tauhan ni Rina.
Nauwi rin sa trahedya ang buhay ni Rina matapos maaksidente sa isang car crash dahil sa kagustuhan niyang patayin si Amanda.
Sa mga huling sandali ni Rina, namaalam siya sa kanyang pamilya at pinili ring gamitin ang kanyang natitirang lakas upang humingi ng tawad kay Amanda para sa kanyang mga kasalanan.
Sa pagtatapos ng serye, magkakarooon kaya ng happy ending ang pag-iibigan nina Red at Eden?
Abangan ang finale episode ng Return To Paradise mamayang 3:25 ng hapon sa GMA Afternoon Prime.
Mapapanood din ang programa online via Kapuso livestream.
KILALANIN ANG CAST NG RETURN TO PARADISE SA GALLERY NA ITO.