GMA Logo False Positive
Photo by: False Positive
What's on TV

Finale ng 'False Positive', bukas na

By Kristine Kang
Published June 25, 2026 5:57 PM PHT

Around GMA

Around GMA

EXPLAINER: Is a gun owner liable if someone else uses their weapon in a crime?
Baus Rufo on creative versatility, shifting careers, and childhood dreams
Japanese Embassy says temporary visa for Filipinos is still free

Article Inside Page


Showbiz News

False Positive


Huwag palampasin ang exciting finale ng 'False Positive', bukas sa GTV!

Kapana-panabik ang mga kaganapan sa huling linggo ng GMA fantasy rom-com series na False Positive.

Mula premiere hanggang finale week, muling tumawa, umiyak, at na-inlove ang mga manonood sa kakaibang kuwento nina Yannie (Glaiza De Castro) at Edward (Xian Lim).

Dahil sa isang accidental curse, naranasan ni Edward ang buhay ng isang buntis habang nabigyan naman si Yannie ng pagkakataong makapagtrabaho muli.

Ngunit habang hinaharap ng mag-asawa ang mga pagsubok na dulot ng kanilang sitwasyon, tila unti-unti rin nilang nauunawaan ang isa't isa.

Habang papalapit ang pagtatapos ng serye, haharapin nina Yannie at Edward ang kanilang huling pagsubok: ang pagsilang ng kanilang sanggol!

Ano kaya ang mangyayari sa kanilang pamilya? Matatago pa ba nila ang kanilang sikreto?

Huwag palampasin ang finale ng False Positive, bukas, 4:45 p.m., sa GTV.

Samantala, silipin ang baby bump photos ng ilang celebrities sa gallery na ito: