
Matapos maipalabas ang final episode ng GMA drama series na Start-Up PH, bumuhos ang positive reactions mula sa mga manonood at netizens tungkol sa mga huling tagpo nito.
Kahapon, December 23, 2022, napanood ang finale ng Philippine adaptation ng isang breakthrough Korean drama at nag-trending ito sa Twitter Philippines.
Kilig na kilig ang netizens sa mga eksena ng Team TrisDan lalo na nang mag-propose si Tristan 'Good Boy' Hernandez (Alden Richards) sa kaniyang dating ka-penpal at girlfriend na si Danica 'Dani' Sison, ang karakter na ginampanan ni Bea Alonzo sa serye.
Bukod pa rito, ilang netizens ang natuwa dahil nagkaroon ng twist ang ending ng Start-Up PH.
Ang ilang mga nakapanood ng Korean version nito, positibong naikumpara ang GMA drama series sa original na version.
Labis na natuwa ang ilang netizens dahil sa Pinoy adaptation ay si 'Good Boy' ang nakatuluyan ni Dani at hindi si 'Genius Boy' na kabaligtaran ng naging ending sa Start-Up.
Ayon sa netizen na si Leyva Vasquez, “Mami-miss ko ang kilig moments ng TrisDan. Sana movie naman ang kasunod [heart emoji].”
Ang ilang netizens nagpaabot ng pagbati sa cast ng production team ng serye at nag-request pa ng season 2 nito.
Napanood kagabi ang ilang mga nakaaantig na eksena at ang nakakakilig na proposal ni Tristan kay Dani.
Bukod kina Alden, Bea, napanood din sa serye bilang lead stars ang award-winning actors na si Yasmien Kurdi at Jeric Gonzales.
Napanood din sa Start-Up PH ang mga aktor na sina Gabby Eigenmann, Kim Domingo, Jackie Lou Blanco, Ayen Munji-Laurel, Nino Muhlach, Boy 2 Quizon, Lovely Rivero, Royce Cabrera, Kevin Santos, Tim Yap, Jay Arcilla, Kaloy Tingcungco, Brianna, at si Ms. Gina Alajar.
Panoorin ang full episode ng finale ng serye sa video na ito:
Maraming salamat sa inyong pagsubaybay sa Start-Up PH, mga Kapuso!
Maaaring balikan ang previous episodes ng serye dito.
SILIPIN ANG BEHIND THE SCENES NG START-UP PH SA GALLERY SA IBABA: