GMA Logo Yasmien Kurdi, Jak Roberto, Rocco Nacino
What's on TV

Finale ng 'The Missing Husband,' ngayong Biyernes na

By EJ Chua
Published December 14, 2023 6:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Can the Philippines turn motorcycles into a tourism engine?
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Yasmien Kurdi, Jak Roberto, Rocco Nacino


Huwag palampasin ang finale ng action suspense drama series na 'The Missing Husband' ngayong Biyernes.

Marami pang dapat abangan sa pinakahuling episode ng action suspense drama series na The Missing Husband.

Kaabang-abang ang ilan pang mga eksena nina Anton (Rocco Nacino) at Millie (Yasmien Kurdi) habang sila ay nasa Dubai.

Kabilang din sa hindi dapat palampasin sa huling episode nito ay kung ano ang mangyayari sa buhay nina Anton at Millie.


Muli kaya silang makakabangon mula sa matinding mga pagsubok na kanilang pinagdaanan?

Ano kaya ang mga natutunan ni Anton sa lahat ng nangyari sa kanya?

Matatahimik at mas masaya na ba ang kanyang buhay kasama ang kanyang pamilya?

Ano kaya ang mangyayari sa buhay ng iba pang mga karakter sa serye?

Bukod kina Rocco at Yasmien, kabilang din sa cast nito ang iba pang mga aktor, gaya na lamang ni Jak Roberto, Sophie Albert, Joross Gamboa, Nadine Samonte, Max Eigenmann, Cai Cortez, at marami pang iba.

Ang naturang serye ay idinirek ng kilalang direktor na si Direk Mark Reyes.

Panoorin ang finale ng The Missing Husband, ipapalabas ngayong Biyernes, December 15, 2023 sa GMA Afternoon Prime.