
Matutunghayan na ang mga huling pasabog, misteryo, at mabibigat na mga eksena sa The Secrets of Hotel 88.
Related gallery: PBB collab ex-housemates reunite for The Secrets of Hotel 88
Kaabang-abang ang finale ng serye na mapapanood na ngayong Biyernes ng gabi, June 26.
Sa previous episodes, matatandaang ilan sa mga binawian ng buhay sa serye ay sina Monette at Leon, ang mga karakter nina Klarisse De Guzman at River Joseph.
Ano kaya ang mangyayari sa mga natitirang karakter na nasa Hotel 88?
Katapusan na nga ba ng kasamaan ni Sandro (Christian Vasquez)?
Sino-sino kaya ang mananatiling ligtas at buhay?
Huwag palampasin ang pagtatapos ng istorya ng The Secrets of Hotel 88 ngayong June 26, 9:35 p.m sa GMA Prime.
Mapapanood din ito sa Kapuso Stream, GMA Pinoy TV, TFC, iWant TV, at Kapamilya Online.