
Mamayang hapon ay mapapanood na ang pagtatapos ng coming-of-age drama series na Underage, na pinagbibidahan nina Sparkle actresses Lexi Gonzales, Elijah Alejo, at Hailey Mendes.
Base sa ipinalabas na teaser ng GMA Network sa telebisyon at online, magpapatuloy ang masamang plano ni Velda (Snooky Serna) ngayong napasakamay niya sina Lena (Sunshine Cruz) at Becca (Yayo Aguila).
Hanggang saan kaya aabot ang masamang plano ni Velda sa pamilya Serrano? May dapat nga bang magsakripisyo upang matapos na ang paghihirap ng kanilang pamilya?
Bago pa man ito, matatandaan na binawian ng buhay si Rico (Jome Silayan) matapos siyang mabaril ni Velda dahil kasama nito si Lena. Ginamit naman ni Velda si Lena bilang hostage at dinala sa park, kung saan namatay ang anak niyang si Leo (Nikki Co).
Kinausap ni Velda sina Dominic at ang pamilya Serrano at sinabing dalhin sa kanya si Chynna at ang ipinagbubuntis nito kung nais nilang mailigtas si Lena. Ibibigay kaya nila ang hinihiling ni Velda?
Sa pagwawakas ng kuwento, matatapos na rin kaya ang mga pagsubok ng pamilya Serrano?
Huwag palampasin ang finale ng Underage mamayang 4:05 p.m. sa GMA Afternoon Prime, Kapuso Stream, at Pinoy Hits - Channel 6 ng GMA Affordabox at GMA Now.
Maaari ring i-stream ang full episodes ng Underage at ng iba pang GMA shows sa GMANetwork.com o GMA Network App.
KILALANIN ANG CAST NG UNDERAGE SA GALLERY NA ITO.