GMA Logo Bjorn Morta
PHOTO SOURCE: TiktoClock
What's on TV

Finalist Bjorn Morta, baon ang pangarap at talento sa pagsabak sa 'Tanghalan ng Kampeon 2025'

By Maine Aquino
Published December 2, 2025 5:35 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Basketball Tournament - December 5, 2025 | NCAA Season 101
#WilmaPH maintains strength east of Borongan City, E. Samar
Cloud Dancer is Pantone's 2025 Color of the Year

Article Inside Page


Showbiz News

Bjorn Morta


Alamin ang kuwento ng pinakabatang grand finalist ng "Tanghalan ng Kampeon 2025" na si Bjorn Morta.

Inilahad ni Bjorn Morta na hindi niya na inaakalang sasali siya sa isang singing competition tulad ng "Tanghalan ng Kampeon 2025" sa TiktoClock.

Kuwento ni Bjorn, "Growing up, never ko na-imagine na sasali ako sa kahit ano'ng singing competition. Music is always in me pero 'yung tumayo sa stage, parang impossible."

Si Bjorn ay isa na ngayon sa mga aabangang grand finalists na haharap sa "Huling Bangaan" ng "Tanghalan ng Kampeon 2025" sa TiktoClock.

Kuwento ng pinakabatang kampeon ng "Tanghalan ng Kampeon 2025," "Nilagay ako sa first competition ko when I was 16. My family lalo na si nanay pushed me to take the leap. And now here I am back in the game in Tanghalan ng Kampeon. Never ko naisip na aabot ako dito. When Kuya Julius (Cawaling) convinced me to join Tanghalan ng Kampeon, simple lang mindset ko, manalo ng PhP 5,000."

Ayon pa kay Bjorn, hindi niya inaaasahang tatagal siya sa kompetisyon.

"I didn't even believe I'd survive, I thought I'd be out before anyone even noticed me."

Dugtong pa niya, sa edad na 19 years old ay mas klaro na ang mga gusto niyang ma-achieve bilang isang mang-aawit.

"Now I am 19, mas klaro na ang pangarap, mas solid na ang goals. Alam ko na my ultimate dream is to become a musician, a singer-songwriter, to share my music, passion, my stories. I feel God is leading me there."

Panoorin ang kuwento ni Bjorn dito:


Abangan ang "Tanghalan ng Kampeon 2025: Ang Huling Bangaan" ngayong December 4, 11:00 a.m. sa TiktoClock.

SAMANTALA, NARITO ANG MGA GRAND FINALISTS NG "TANGHALAN NG KAMPEON 2025"