
Kailangan na mag-ayos ng schedule ang mga Filipino fans ng male beauty pageants dahil may isa na namang pageant na gaganapin sa darating na weekend.
Nag-announce ang Mr. World Philippines organization na gaganapin sa Sabado, July 25, ang finals night ng Mr. World Philippines organization. Gaganapin ito sa Newport Performing Arts Theater, at iho-host ng beauty queen na si Keylyn Trajano at si Jerome Sang.
Ayon sa organization, ang pageant ngayong taon ay oportunidad para sa isang “exceptional Filipino” na mapanalunan ang korona at maging representative ng bansa sa world stage.
Ang finals night ang magsisilbing culmination ng ilang linggong paghahanda at pagsabak ng mga Mr. World Philippines delegates sa iba't ibang challenges. Kamakailan lamang ay inilabas ng Mr. World Philippines organization ang swimsuit photos ng mga delegates.
RELATED GALLERY: The Mr. World Philippines delegates bring the heat with their swimsuit
shoot
Nitong weekend, hinarap ng mga delegates ang head-to-head challenge, na napanood sa TikTok account ng organization. Hinarap din ng mga delegates ang sports challenge sa Edades Farm sa Taysan, Batangas nitong nakaraang buwan.
Ang head-to-head challenge at sports challenge ay dalawa lamang sa pitong fast track challenges na kailangan harapin ng mga delegates para automatic na makapasok sa semifinals ng competition.
Ang ibang fast track events ay ang beach wear challenge, ang talent competition, ang top model challenge, ang multimedia challenge, at ang Beauty with a Purpose challenge. Pinahalagahan ng organization ang Beauty with a Purpose challenge dahil ito ay tungkol sa advocacy work, charity projects, and social impact.
Layunin ng mga delegates na sundan ang yapak ng kasalukuyang Mr. World Philippines, Kirk Bondad, na pasok sa Top 12 ng Mr. World Top Model competition. Pinuri rin si Kirk ng Mr. World Philippines dahil sa pagbida niya sa gawang Pinoy at pagsuot ng suit na gawa ng designer na si Francis Libiran.
Si Andrew Wolff ang pinakamalayo ang naabot sa Mr. World pageant. Noon 2012 ay naging first runner-up siya kay Mr. Colombia Francisco Javier Escobar Parra.
Si Kirk naman ay napanalunan ang Mister International pageant, isang panalo na inilarawan niya ay higit pa sa sarili niya.
RELATED GALLERY: Kirk Bondad is all set to win the Mister International crown