
Puno ng pagmamahalan ang Kapaskuhan at ngayong holidays, tiyak na mangunguna ang pagbibigayan ng mga nagmamahalan. Patunay na riyan ang pamilya Dantes na nagsimula nang magbahagi ng mga regalo sa mga taong malalapit sa kanila.
Sa Instagram ng entertainment writer na si Lolit Solis, ipinakita niya ang natanggap na regalo mula kina Dingdong Dantes, Marian Rivera at Baby Zia.
Bukod sa card na may drawing ng mga Dantes, isang bulaklak mula sa flower shop ni Marian na Flora Vida ang natanggap ni Lolit.
"Ang cute ng regalo at card ng mga Dantes, talagang very Marian ha, flowers from Flora Vida," saad ni Lolit.
Dagdag pa niya, "Beautiful idea, flowers for Christmas. Kasi nga tayong lahat, dapat may time to remember to smell the flowers, sa bilis ng buhay, sa dami ng pangyayari around us, hindi na natin napapansin ang ganda ng paligid, ang mga nangyari sa buhay natin na maganda. Nostalgic na nga ang Pasko, medyo iba ihip ng hangin at siguro nga ito '['yung] reason kung bakit malungkot at depress ang iba, kaya nga huminto tayo sandali, enjoy and smell the flowers, remember the good time not the bad. Merry Christmas Dong, Yan, and Zia. Thanks for the flowers, so good for the spirit."