
Ikinasal na si Philippine Comedy Queen Aiai Delas Alas sa kanyang longtime boyfriend na si Gerald Sibayan noong Martes, December 12.
Must-see photos of the star-studded wedding of Aiai Delas Alas and Gerald Sibayan
Sa engrandeng selebrasyon, isa sa mga pumukaw sa atensyon ng mga imbitado sa kasal ay ang mahigpit na yakap na ibinigay ni Sancho Delas Alas, anak ni Aiai, sa napangasawa ng kanyang ina.
"Maraming salamat, kumpadre," pagtukoy ni Sancho kay Gerald na ngayo'y kanila nang padre de pamilya.
READ: Anak ni Aiai Delas Alas na si Sancho, masaya para sa ina
Matatandaang bago pa ang kasal, ipinagtanggol ni Sancho si Gerald sa mga mapanghusgang netizens at idiniin niyang karapat-dapat silang ikasal ni Aiai.