What's on TV

FIND OUT: Paano napapayag si Dennis Trillo na gumanap muli bilang Gabriel sa 'Mulawin VS Ravena?'

By AL KENDRICK NOGUERA
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated May 12, 2017 4:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Singil sa tubig ng Manila Water, Maynilad, tataas simula sa Abril 2026
Man hurt in spear attack in Bukidnon; suspect shot by responding cop
University of the Philippines Integrated School building closes due to structural integrity concerns

Article Inside Page


Showbiz News



Mayroon daw ilang dahilan si Dennis kung bakit hindi siya nagdalawang-isip na muling tanggapin ang role ni Gabriel.

 

Photo by: Mike Paunlagui, GMA Network Inc.

Isa si Dennis Trillo sa mga naglalakihang cast ng inaabangang iconic telefantasya na Mulawin VS Ravena. Matapos ang mahigit isang dekada, muling lilipad ang Kapuso actor bilang si Gabriel sa sequel ng sikat na GMA show na unang ipinalabas noong 2004.

Kuwento ni Dennis, napakapalad daw niya na mapabilang muli sa higanteng telefantasya. Aniya, "Isa ako sa mga suwerte na mula sa orihinal na cast na mapabilang muli rito kaya very happy at excited. Kaming dalawa lang [ni Miguel Tanfelix ang galing sa orihinal na Mulawin]."

"Very memorable sa 'kin ang Mulawin, napakaimportante niya sa 'kin. Isa 'yon sa mga pinakaunang shows ko sa GMA nung nagsisimula pa lang ako kaya ang mapasali ulit dito sa show na ito ay napakalaking honor para sa 'kin," dagdag pa niya.

Mayroon daw ilang dahilan si Dennis kung bakit hindi siya nagdalawang-isip na muling tanggapin ang role ni Gabriel. "Una siyempre, malaki ang utang na loob ko sa show. Bukod doon, napakaganda ng kuwento niya ngayon. Kung ano 'yung ikinaganda dati, mas hinigitan pa," saad niya.

"Nung nabasa ko 'yung script, sabi ko, kailangan ko 'tong gawin dahil hindi ko alam kung sino pa 'yung puwedeng [maging] Gabriel. Ngayon na inilagay nila [ako] rito, ako lang 'yon. So ito na 'yon," pagtatapos ni Dennis.

Abangan si Dennis bilang si Gabriel sa Mulawin VS Ravena, ngayong May 22 na pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.

MORE ON MULAWIN VS RAVENA:

EXCLUSIVE: Heart Evangelista begins her 19th showbiz anniversary with 'Mulawin VS Ravena'

LOOK: 'Mulawin VS Ravena' billboard is now up in EDSA, cast shares their epic reactions

"Even Ma'am Charo [Santos] admitted 'Mulawin' made her almost quit her job" - Zoren Legaspi