
The struggle is real para sa bida nating milyonaryo na si Pepito (Michael V.) ngayong papalapit na Pasko.
Ang buhay ng yayamanin na si Pepito Manaloto
Dahil ididiwang nila ni Elsa (Manilyn Reynes) ang 25th Christmas nilang magkasama, naghanap ng isang espesyal na regalo si Pitoy.
Ang problema, mawawala ni Pepito ang Christmas present na ito. Mahanap pa kaya niya at ni Patrick (John Feir) ang regalo para sa kanyang misis just in time for December 25?
Samantala, makakaisip na naman ng isang raket si Tommy (Ronnie Henares) para pagkaparehan ang Live Belen project ng Homeowners' Association.
Suwertehin na kaya si Tommy or mauwi sa malas ang pinaplano niya?
Love Shines this Saturday night with the Christmas special of Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento pagkatapos ng 24 Oras Weekend at bago ang Daddy's Gurl.