
Mapapanood ang free TV premiere ng pelikulang Firefly ngayong Semana Santa.
Sa darating na April 4, Black Saturday, mapapanood sa GMA ang award-winning film ng GMA Pictures at GMA Public Affairs.
Ang Metro Manila Film Festival 2023 entry na Firefly ay pinagbidahan ng GMA Sparkle child star na si Euwenn Mikaell at award-winning actress na si Alessandra de Rossi. Kasama rin sa Firefly sina Ysabel Ortega, Miguel Tanfelix, Cherry Pie Picache, Epy Quizon, Yayo Aguila, Kokoy de Santos, kasama ang special participation nina Max Collins at Dingdong Dantes.
Umiikot ang kuwento ng Firefly sa mga temang pamilya, pangarap, at katapangan. Tampok dito ang batang si Tonton (Euwenn), na nagsimula sa isang makabuluhang paglalakbay upang hanapin ang mahiwagang isla ng mga alitaptap.
Ang Firefly ay isinulat ng GMA Public Affairs Senior AVP na si Angeli Atienza sa direksyon ni Direk Zig Dulay.
Abangan ang free TV premiere ng Firefly sa April 4, 7:30 p.m sa GMA.
Silipin din ang listahan ng GMA-7 programs para sa Maundy Thursday rito.
Silipin din ang listahan ng GMA-7 programs para sa Good Friday rito.