GMA Logo Firefly, Alessandra De Rossi, Euwenn Mikaell
Courtesy: msderossi (IG) and euwenn_mikaell (IG)
What's Hot

'Firefly,' patuloy na umaani ng positive reviews

By EJ Chua
Published December 27, 2023 6:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PCIJ: ‘Allocable’ for solons in Iloilo City, province reaches P4.3B
DOJ Usec. Jojo Cadiz, nagbitiw sa puwesto sa gitna ng alegasyon sa flood control
GMA Pinoy TV wins big at the Anak TV Seal Awards 2025!

Article Inside Page


Showbiz News

Firefly, Alessandra De Rossi, Euwenn Mikaell


Ilang Pinoy viewers na ang hook na hook sa pelikulang 'Firefly.'

Patuloy na tinatangkilik ng Pinoy viewers ang Firefly, isa sa mga pelikulang kabilang sa 2023 Metro Manila Film Festival.

Sunod-sunod ang magandang reviews na natatanggap ng pelikula mula sa unang pagpapalabas nito sa big screen.

Ilang viewers ang napa-post sa social media tungkol sa kanilang naging experience habang pinapanood ang naturang pelikula. Mababasa sa posts ng ilang netizens na sobrang napaluha sila sa ilang mga eksena nito.

Sabi pa ng netizen na si Ryan Jose, “I must say solid ng kwento, magugulat ka na lang lumuluha ka na pala… Perfect movie for all ages…”

Ayon naman sa ilang netizens, isa sa mga natutunan nila mula sa pelikula ay "ang pagmamahal ay mas malakas kaysa sa takot.”

Ang Firefly ay pinagbibidahan nina Alessandra De Rossi at Euwenn Mikaell.

Nabuo ang pelikula sa ilalim ng produksyon ng GMA Pictures at GMA Public Affairs.