GMA Logo Reich Alim, Princess Aliyah, Fred Moser, Waynona Collings in PBB
Courtesy: GMA Network.com, EJ Chua
What's Hot

First eviction night ng 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0,' ngayong Sabado na

By EJ Chua
Published November 13, 2025 1:36 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Lalaking nag-trespassing umano, patay matapos suntukin ng dating katrabaho
Purple Hearts Foundation brings joy via year-end gift-giving outreach
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News

Reich Alim, Princess Aliyah, Fred Moser, Waynona Collings in PBB


Sino kaya sa Team Rays of Sunshine ang mananatili sa Bahay Ni Kuya? At sino kaya ang babalik na sa outside world? Abangan ang first eviction night ng 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0' ngayong Sabado!

Ilang tulog na lang at masasaksihan na ang kauna-unahang eviction sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.

Sasalang na rito ang grupo na unang naging nominado sa nagdaang isang linggo.

Sila ang Team Rays of Sunshine na pinangungunahan ng Star Magic artist na si Reich Alim, ang tinaguriang Dependable Darling ng Makati.

Kasama niya rito ang Sparkle stars na sina Princess Aliyah at Waynona Collings na kilala sa teleserye ng totoong buhay bilang Royal Songstress ng Bulacan at Ate De Pamilya ng Quezon City.

Bukod sa kanila, parte rin ng Team Rays of Sunshine ang Star Magic artist na si Fred Moser.

Siya naman ang binansagang Ang Courtside Charmer ng Albay.

Sino kaya sa apat na nominadong housemates ang mananatili sa loob ng iconic house ni Kuya? At sino naman kaya ang tuluyan nang babalik sa outside world?

Huwag palampasin ang mga pangyayari sa first eviction night ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0, ngayong Sabado na, November 15.

Mapapanood ang pinag-uusapang reality competition ng live sa GMA at Kapuso Stream tuwing weekdays, 9:40 p.m., Sabado, 6:25 p.m., at Linggo sa oras na 10:05 p.m..

Maaari ring subaybayan ang mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa All-Access Livestream ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.


Related gallery: Meet the 20 housemates of 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0'