
Pinusuan ng netizens ang first kiss ng mga karakter nina Anton Vinzon at Chanty Videla na sina MakMak at Chloe sa family sports drama series na Kamao ngayong Miyerkules, September 2.
Agad na pinag-usapan online ang sweet moment ng dalawa, na binansagan ng kanilang fans na “ChanTon.” Marami ang natuwa at kinilig sa chemistry nina Anton at Chanty, lalo na't matagal nang inaabangan ng viewers ang pag-usad ng kanilang relasyon sa serye.
Sa kuwento, nagkaroon ng LQ sina MakMak at Chloe matapos ang isang maliit na tampuhan. Hinabol ni MakMak si Chloe na sakay ng jeep, at kalaunan ay napatawad din siya ng kanyang girlfriend.
Matapos magkabati, naganap ang first kiss ng magkasintahan nang magkaroon sila ng solo moment sa bagong condo ng binata. Walang ibang nakapunta sa housewarming party ni MakMak kundi si Chloe, kaya nauwi ito sa isang intimate na sandali.
Inulan naman ang nasabing sweet scene nina Anton at Chanty ng kilig reactions mula sa fans matapos mapanood ang kanilang first kiss, dahilan para muling umingay ang tambalan ng dalawa sa social media.
Para sa mga tagasubaybay ng Kamao, memorable moment ito para sa ChanTon at marami na ang excited kung ano pa ang susunod na mangyayari sa kanilang love story.
Patuloy na subaybayan ang Kamao weekdays sa oras na 3:20 p.m. sa GMA at Kapuso Stream. Mapapanood din ang family sports drama series sa GMA Play, ang official video streaming app ng GMA Network.
I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play. Available rin ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.
Salamanta, alamin ang kuwento ng first encounter at impressions nina Anton at Chanty sa isa't isa sa gallery na ito: