
Tinaguriang slow burn ang love story sa pagitan nina Klay (Barbie Forteza) at Fidel (David Licauco) sa hit historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra.
Pero ang bagay na nagsimula sa maliit na spark, full force nang lumalagablab ngayon.
Mula sa love confession, may marriage proposal na kaagad si Fidel kay Klay.
At ngayong naman, ishe-share na nila nag kanilang first kiss!
"Binibining Klay, hindi ako susuko hanggang hindi ko napapatunayan na karapat-dapat din akong mahalin mo," pangako ni Fidel.
Kung tinanggihan ni Klay ang alok na kasal ni Fidel, ano na lang ang magiging reaksiyon niya sa halik nito?
Abangan 'yan ngayong gabi, December 23, sa Maria Clara at Ibarra.
Patuloy na tumutok sa top-rating at much-loved historical portal fantasy series na ito, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.
Maari ring mapanood ng buo at libre ang episodes ng Maria Clara at Ibarra sa GMANetwork.com/FullEpisodes.
Mapapanood naman ang livestream nito sa GMANetwork.com/KapusoStream.
SAMANTALA, SILIPIN ANG EXCLUSIVE SNEAK PEEK NG FIRST KISS NINA KLAY AT FIDEL SA MARIA CLARA AT IBARRA DITO: