GMA Logo Sensen and Doc Migs
What's on TV

First kiss nina Lovi Poe at Benjamin Alves sa 'Owe My Love,' nagpakilig ng netizens

By Cherry Sun
Published March 31, 2021 1:02 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LTO summons pick-up driver who ran over, killed girl in Ilocos Sur
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Sensen and Doc Migs


Teka lang, kinikilig pa rin ako! Mga Mars, napanood n'yo rin ba ang first kiss nina Sensen at Doc Migs?

Finally, natuloy na ang first kiss nina Sensen Guipit (Lovi Poe) at Doc Migs Alcancia (Benjamin Alves) sa Owe My Love, at ramdam na ramdam ng netizens ang kilig!

Sensen and Doc Migs

Sa episode nitong Lunes, March 29, napanood ang tila pagkakalabuan nina Sensen at Doc Migs ngayong nawawala muli si Lolo Badong (Leo Martinez). Dahil sa kanilang komprontasyon, hindi na naitago ni Doc Migs ang kanyang nararamdaman para kay Sensen, at nauwi ito sa kanilang first kiss.

Nitong Martes naman, March 30, inamin na ni Doc Migs ang kanyang true feelings para kay Sensen.

Dahil dito, overdose sa kilig ang mga manonood.

Wika ng Twitter user na si Nicolee, “Tekaa lang kalmaaaaaaa kinikiligggg akoo. Suggest nga kayo kung san sulok nang bahay pwedeng magwala nang dika papagalitan. KINIKILIGG AKOOOOO.”

Ayon sa isang pang Twitter user na si Blessie Torres na abot ang kilig hanggang Dubai!

Komento naman ni Allysa sa Twitter, “KALA KO BAWAL MAFALL? BAT NAFALL NAKO SA SENMIG HAHAHAHHAA ay di pala ako kasama.”

Tweets about Owe My Love

Tweets about Owe My Love

Tweets about Owe My Love

Napa-video rin ang ilang viewers habang pinapanood ang nakakakilig na eksena.

Bitin pa rin ba? Silipin ang gallery sa ibaba at sabay-sabay tayong mas kiligin sa #SenMig:

Huwag magpahuli! Patuloy na tumutok sa Owe My Love tuwing Lunes hanggang Biyernes, 9:35 P.M. sa GMA!

Kilalanin din ang iba pang bida ng Owe My Love sa gallery sa ibaba: