What's on TV

First kiss nina Lucas at Maxine, kinakiligan!

By Jansen Ramos
Published March 5, 2020 12:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DSWD to reach out to more street dwellers amid holidays
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas

Article Inside Page


Showbiz News



Kilig to the bones ang trending wine kiss nina Big Boss at Beauty sa 'Descendants of the Sun PH.'

Kinakiligan ang much-awaited first kiss nina Cpt. Lucas (Dingdong Dantes) at Dr. Maxine (Jennylyn Mercado) na ipinalabas noong Martes, March 3, sa Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation).

Pinag-usapan ito maging sa Twitter gamit ang official hashtag na #DOTSPHTheKiss na naging trending topic nationwide.

Sa naturang episode, nalaman ni Maxine na nasuspindi si Lucas dahil sa kanilang engkuwentro laban sa kampo ni Alif Fayad. Pinuntahan ng dalaga si Col Bienvenido Garcia para ipagtanggol si Lucas. Gayunpaman, walang nagawa ang pagdedepensa ni Maxine dahil kailangang sundin ni Lucas ang utos ng kanyang commanding officer. Dahil dito, nagkatampuhan ang dalawa.

Humingi ng paumanhin si Maxine kay Lucas matapos madinig nito na inirereklamo niya ang binata sa kanyang kaibigang si Sandra habang magkausap sila sa telepono.

Dahil sa awkward na pangyayari, inalok na lang ni Maxine na uminom ng wine si Lucas hanggang sa nauwi ito sa matamis na halikan.

Ang first kiss nina Lucas at Maxine ay hango sa isang eksena sa original version ng Descendants of the Sun. Binansagan ito ng K-drama fans na "wine kiss."

Ano naman kaya masasabi ng Pinoy DOTS fans sa wine kiss nina Big Boss at Beauty sa local adaptation ng serye? Basahin dito:

Panoorin ang nakakakilig na eksena sa March 3 full episode ng Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation):