
Sa ikaanim na linggo ng top-rating GMA Telebabad series na First Lady, bibigyan ni Melody (Sanya Lopez) ng bagong pag-asa ang kanyang bunsong anak na si Nicole (Patricia Coma).
Noong una, malungkot na malungkot si Melody dahil nagkaroon siya ng false pregnancy ngunit dahil kay Nicole, muling sumaya si Melody dahil pinaramdam sa kanya nito na may tatlo na siyang anak - sina Nina (Cassy Legaspi), Nathan (Clarence Delgado), at Nicole.
Dahil dito, mas lalo pa tuloy naging malapit si Melody at Nicole sa isa't isa at nakita ni Melody ang kagustuhan ni Nicole na makalakad. Pangako ni Melody kay Nicole, gagawin niya ang lahat upang muli siyang mapatingin sa espesyalista.
Nang sabihin ni Melody kina Glenn (Gabby Concepcion) at Blesilda (Pilar Pilapil) ang kanyang plano ay hindi natuwa ang mag-ina, at kinuwento ni Glenn kung paano nila sinubukan magpagamot noon ngunit hindi ito naging matagumpay.
Kinalaunan ay pumayag din si Glenn na ipagamot si Nicole kahit na natatakot siyang maulit ang nangyari noon na na-disappoint niya ang kanyang anak.
Sa katunayan, ginawa ni Glenn ang lahat ng kanyang makakaya para mapagamot si Nicole sa pinakamagaling na doktor, na nagkataong kapatid ni Mayor Moises (Rocco Nacino).
Panoorin ang First Lady, Lunes hanggang Biyernes, sa GMA Telebabad pagkatapos ng 24 Oras.
Samantala, kilalanin ang mga karakter na dapat abangan sa First Lady dito: