GMA Logo abby Concepcion and Sanya Lopez
What's on TV

First Lady: Melody, nagkaroon ng false pregnancy

By Aaron Brennt Eusebio
Published March 21, 2022 6:09 PM PHT
Updated March 22, 2022 5:02 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DSWD to reach out to more street dwellers amid holidays
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas

Article Inside Page


Showbiz News

abby Concepcion and Sanya Lopez


Balikan ang nangyari sa ikalimang linggo ng 'First Lady' DITO.

Sa ikalimang linggo ng top-rating GMA Telebabad series na First Lady, nagkaroon ng matinding pagsubok ang mag-asawang Glenn (Gabby Concepcion) at Melody (Sanya Lopez).

Masaya na sina Glenn at Melody dahil naayos na ang gusot sa pagitan nilang dalawa tungkol kay Ingrid (Alice Dixson). Naipaliwanag na ni Glenn ang lahat ng nangyari at pinatawad na rin siya ni Melody.

Sa katunayan, tatanggalin na sana ni Glenn si Ingrid sa kanyang campaign team ngunit pinigilan siya ni Melody dahil alam niyang makakatulong si Ingrid upang manalo pa ng isang termino si Glenn.

Bukod kay Ingrid, hindi pa rin tinatantanan ng mga dating First Lady na sina Allegra (Isabel Rivas), Soledad (Francine Prieto), at Ambrocia (Samantha Lopez) si Melody kaya naman ang ina na ni Glenn na si Blesilda (Pilar Pilapil) ang humarap sa kanila.

Nagkaroon ng Presidential Masquerade Ball sina Glenn at Melody kung saan muling nakita ng kanilang mga katrabaho kung gaano sila ka-sweet sa isa't isa.

Matapos ang party, nagkaroon ng hinala si Melody na siya ay buntis dahil nararanasan niya ang pakiramdam ng mga buntis katulad ng pagsusuka at pagsakit ng tiyan. Nang mag-pregnancy test siya ay nakumpirma niyang siya ay nagdadalang tao.

Subalit, nang pumunta sa doktor sina Melody at Glenn, sinabi nitong isang false pregnancy lang ang nangyari na siyang ikinalungkot ng mag-asawa.

Panoorin ang First Lady (), Lunes hanggang Biyernes, sa GMA Telebabad pagkatapos ng 24 Oras.

Samantala, kilalanin ang mga karakter na dapat abangan sa First Lady dito: