
Marami ang nagulat sa rebelasyon ng top-rating GMA Telebabad series na First Lady tungkol sa tunay na pagkatao ng bunsong anak ni Glenn (Gabby Concepcion) na si Nicole (Patricia Coma).
Sa episode kagabi, March 30, nakumpirma na ng mga manonood na inampon lang nina Glenn at ng kanyang unang asawang si Christine (Jean Garcia) si Nicole noong baby pa ito at ang tunay na ina nito ay si Ingrid (Alice Dixson).
Hindi rin alam ni Melody (Sanya Lopez) na si Nicole ang hinahanap na anak ni Ingrid.
Ano kaya ang magiging reaksyon ni Melody kapag nalaman niyang si Nicole ay anak nina Glenn at Ingrid?
Panoorin ang First Lady, Lunes hanggang Biyernes, sa GMA Telebabad.
Samantala, mas kilalanin pa ang aktres na gumaganap na Nicole na si Patricia Coma sa gallery na ito: