
Record-breaking ang ratings ng nangungunang primetime series sa Pilipinas na First Lady noong Huwebes, June 2.
Ayon sa NUTAM People Ratings, nagtala ang First Lady ng 17% combined ratings ng GMA at GTV, mas mataas kumpara sa 11.5% combined ratings ng katapat nitong programa.
Sa June 2 episode ng First Lady, nalaman na ng kampo ni Melody (Sanya Lopez) na spy si Bella (Divine Aucina) nina Ingrid (Alice Dixson) at Allegra (Isabel Rivas).
Patuloy na subaybayan ang mas gumagandang kuwento ng First Lady, Lunes hanggang Biyerernes, sa GMA Telebabad pagkatapos ng 24 Oras.