GMA Logo Sanya Lopez in 'First Lady'
What's on TV

First Lady: Simula ng trabaho ni Melody bilang First Lady

By Aaron Brennt Eusebio
Published March 2, 2022 4:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Natural gas discovered at Malampaya East 1 —Marcos
Tagbilaran and Toledo are big winners in #Sinulog2026 Grand Parade
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Sanya Lopez in 'First Lady'


Balikan ang mga nangyari sa ikalawang linggo ng 'First Lady' DITO.

Sa ikalawang linggo ng top-rating series na First Lady, nagsimula na ang mga pagsubok kay Melody Reyes-Acosta (Sanya Lopez) bilang First Lady ng Pilipinas.

Hindi naging madali ang pinagdaanan ni Melody nang pumunta sila sa Madiviano Ponte pero sa dulo ay napirmahan ang kasunduan ng Pilipinas at Madiviano Ponte para sa mga OFW na nakatira doon.

Samantala, lumabas na ang tunay na kulay ng dating First Lady na si Allegra (Isabel Rivas). Akala nila noong una ay tutulungan lang nito ni Melody sa pagiging First Lady nito ngunit ang hindi nila alam ay may plano rin itong tumakbo sa pagkapangulo kalaban si Glenn (Gabby Concepcion).

Nagulat naman si Glenn nang biglang bumalik ang kanyang ex-girlfriend na si Ingrid Domingo (Alice Dixson). Magaang ang loob ni Melody kay Ingrid pero hindi niya alam ang nakaraan nila ng kanyang asawa.

Samantala, kumilos na rin ang mga dating First Lady na sina Allegra, Soledad (Francine Prieto), at Ambrocia (Samantha Lopez) na pahiyain at pabagsakin si Melody sa publiko. Iniisip kasi nila na sa pagbagsak ni Melody ay mas maliit ang tsansa ni Glenn na manalo sa eleksyon.

Lumabas na rin ang totoong kulay ni Ingrid. Kaya pala siya nagbalik sa buhay ni Glenn ay para makapaghiganti siya rito dahil pakiramdam niya ay iniwan siya nito noon.

Dahil walang alam si Melody sa mga balak ni Ingrid, kinumbinsi niya pa ito sa campaign team ni Glenn.

Panoorin ang First Lady, Lunes hanggang Biyernes, sa GMA Telebabad pagkatapos ng 24 Oras.

Samantala, kilalanin ang mga karakter na dapat abangan sa First Lady dito: