
Masayang masaya ang mga nanonood ng top-rating GMA Telebabad series na First Lady dahil naging opisyal na rin ang relasyon nina Bevs at Yessey, ang mga karakter nina Muriel Lomadilla at Thou Reyes.
Noon pa man ay marami nang kinikilig kina Bevs at Yessey ngunit may kakaibang kilig sa episode kahapon, June 29, nang tanungin na ni Yessey si Bevs na maging girlfriend nito.
Dahil sa eksenang ito, marami ang natuwa dahil lumayag na rin ang ship nilang BevSsey.
Komento ng isa, "Finally! Naging official din. Hahahaha"
Panoorin ang BevSsey sa huling dalawang episode ng First Lady sa GMA Telebabad pagkatapos ng 24 Oras.
Samantala, narito ang ilan sa nakakakilig na larawan nina Thou at Muriel: