
Ilan sa makakasama ng Kapuso diva sa pinakabago niyang teleserye ay sina Queen of Soul Jaya, Snooky Serna, Jillian Ward, Ervic Vijandre, Miggs Cuaderno, Zymic Jaranilla, Ayra Mariano at Elyson de Dios.
By AEDRIANNE ACAR
Inaantabayanan na ng mga Kapuso ang muling pagsabak ni Asia's Songbird Regine Velasquez-Alcasid sa teleserye na Poor Señorita.
Sa tindi ng pagkasabik ng mga fans ni Ms. Regine ay agad na nag-trend sa Twitter ang unang araw ng taping ng kanilang soap ngayong Miyerkules (February 24).

Ipinasilip din ni Ms. Regine at GMA Showbiz reporter Nelson Canlas ang ilan sa mga eksena sa first taping day ng Poor Señorita sa Instagram.
Ilan sa makakasama ng Kapuso diva sa pinakabago niyang teleserye ay sina Queen of Soul Jaya, Snooky Serna, Jillian Ward, Ervic Vijandre, Miggs Cuaderno, Zymic Jaranilla, Ayra Mariano at Elyson de Dios.
MORE ON POOR SEÑORITA:
Regine Velasquez, nakakaramdam na ng separation anxiety kay Baby Nate dahil sa 'Poor Señorita'
Regine Velasquez, ni-request na maging part sina Elyson de Dios at Ayra Mariano ng 'Poor Señorita'
Bagong show ni Regine Velasquez na 'Poor Señorita,' agad nag-trend sa Twitter