GMA Logo Abot Kamay Na Pangarap
What's on TV

First two episodes ng 'Abot Kamay Na Pangarap,' pumalo sa ratings

By EJ Chua
Published September 7, 2022 3:55 PM PHT
Updated September 7, 2022 6:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

14-anyos na binatilyo, binaril sa ulo habang naglalakad sa Davao Occidental
2 boys trapped in Zamboanga City creek rescued
A festive beauty pop-up opens in the South just in time for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Abot Kamay Na Pangarap


Abot langit na pasasalamat ang nais naming iparating sa inyo, mga Kapuso!

Dalawang episodes pa lamang ang naipapalabas ngunit pumapalo na sa ratings ang bagong GMA drama series na Abot Kamay Na Pangarap.

Nito lamang nakaraang Lunes, September 5, ipinalabas sa GMA Afternoon Prime ang world premiere ng bagong serye.

Kapansin-pansin ang mainit na pagtanggap ng mga manonood on air at online sa naturang programa. Sa katunayan, ang pilot episode nito ay nagtala ng 6.3% na ratings ayon sa tala ng Nielsen Philippines.

Ang ikalawang episode naman nito ay nagtala ng 6.6% na ratings.

Bukod dito, patuloy namang bumubuhos ang positive comments at reactions mula sa ating mga Kapuso sa social media para sa inspirational drama na pinagbibidahan nina Jillian Ward at Carmina Villarroel.

Maraming salamat, mga Kapuso!

Inaaasahan namin ang patuloy ninyong pagsubaybay sa Abot Kamay Na Pangarap, na mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

KILALANIN ANG CAST NG ABOT KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: