
Mas paiinitin ng First Yaya stars ang inyong Huwebes ng gabi dahil ipapalabas na mamaya ang bikini showdown nina Sanya Lopez, Maxine Medina, at iba pang aktres sa hit Kapuso rom-com series.
Alam na ng publiko ang relasyon nina Yaya Melody at President Glenn Acosta (Gabby Concepcion) pero hindi pa rin nagpapaawat si Lorraine (Maxine).
Para tuksuhin at agawin ang atensyon ni Glenn, rarampa si Lorraine sa kanyang pulang swimsuit.
Hindi naman magpapatalo si Melody at hihigitan pa niya ang kaseksihan ng kanyang karibal.
Excited na ba kayong mapanood ang hottest, boldest, wildest at sexiest bikini showdown?
Tutok na sa First Yaya ngayong Huwebes ng gabi, 8 P.M!