GMA Logo First Yaya cast
What's Hot

'First Yaya' cast among Maxine Medina's wedding guests

By Jansen Ramos
Published May 3, 2023 7:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Thai esports player expelled from SEA Games for cheating
EXO Chen announces Manila concert in 2026
GMA Network transitions to cloud-based IP distribution via partnership with Synamedia and Telered Technologies and Services Corp.

Article Inside Page


Showbiz News

First Yaya cast


Maxine Medina will tie the knot with her fiance, Timmy Llana, in a church before their beach wedding in October.

Naghahanda na ngayon si Maxine Medina para sa nalalapit na kasal nila ng non-showbiz fiance niyang si Timmy Llana, isang professional diving instructor.

Magaganap ang kanilang pag-iisang dibdib sa Oktubre sa isang simbahan bago ang kanilang beach wedding na dadaluhan ng kanilang pamilya at mga kaibigan.

"We're eyeing for a beach wedding talaga but as a Catholic, we have to do the church wedding but 'yung church wedding is just for the family and then 'yung beach wedding is a celebration na lang with all the friends and families," ani Maxine sa GMA reporters sa isang virtual interview ngayong Miyerkules, May 3.

Ibinahagi rin ni Maxine na malalapit sa kanila ni Timmy ang pinili nilang maging wedding godparents. Kabilang na riyan ang CEO ng isang malaking local clothing chain na si Ben Chan at Mercator president at mentor ng beauty queen na si Jonas Gaffud.

Masaya ring ibinahagi ni Maxine na nagkumpirma nang dadalo sa kanyang big wedding ang co-stars niya sa First Yaya na naging mga kaibigan na rin niya.

Ayon kay Maxine, magiging simple ang tema ng kanyang kasal.

"Before ako mag-start mag-plan ng details about it, meron akong gusto e. Ang dami kong gusto, as in, may colors pa, may flowers, and whatever. Pero alam mo ang ending, leading towards it, oh my God, i just want it to be simple, 'yun lang," sabi ng aktres.

"Yun ang gusto kong i-share sa mga tao 'yung pinaka-genuine feeling na ikakasal ka with your partner."

Hands-on si Max sa wedding planning kahit abala sa ginagawa niyang series ngayon sa GMA na Magandang Dilag. Very supportive daw ang kanyang mga katrabaho kapag may kailangan siyang asikasuhin para sa kanyang nalalapit na kasal.

Masuwerte din daw siya dahil binibigyan siya ng freedom ng kanyang soon-to-be groom sa mga detalye na gusto niyang ma-achieve.

"Na-enjoy ko naman kahit papaano dahil suwerte na rin ako dahil 'yung fiance ko, hinahayan niya lang ako sa lahat ng plans and wala din naman siyang say sa kunwari sa colors na pipiliin ko.

"Actually, binibigyan ko siya ng choices, hinihingan ko siya ng opinion. Wala siyang ibang sinasabi kundi 'okay lang 'yan, ikaw na mag-decide, ikaw na bahala.'"

Bago pa ang kanilang kasal sa Oktubre, excited si Maxine na makita ng publiko ang kanilang pre-wedding photos ni Timmy na may temang Filipiniana na ipo-post niya sa social media.

Ibinida raw nila rito ang ancestral house ng pamilya ng kanyang fiance para ipakita ang kulturang Pinoy.

Naganap ang surprise wedding proposal ni Timmy kay Maxine noong April 2022 sa Palawan.

Naging opisyal silang magkasintahan noong 2018.

TINGNAN ANG GINANAP NILANG ENGAGEMENT CELEBRATION DITO: