What's on TV

'First Yaya,' 'di lang puro kilig at drama, action-packed din!

By Dianara Alegre
Published March 11, 2021 12:53 PM PHT
Updated March 12, 2021 3:33 PM PHT

Around GMA

Around GMA

TD Wilma speeds up, moves over Calbayog City
#WilmaPH moves north of E. Samar, over waters of Dolores

Article Inside Page


Showbiz News

Cast ng First Yaya


Abangan ang mga maaaksyong tagpo sa 'First Yaya' na mapanood na simula Lunes, March 15, sa GMA.

Hindi lang kayo pakikiligin at paiiyakin ng cast ng upcoming primetime drama na First Yaya dahil punung-puno rin ito ng maaaksyong eksena.

Pagbibidahan nina Gabby Concepcion at Sanya Lopez, tampok dito ang buhay ni Vice President Glenn (Gabby) na kalaunan ay magiging Presidente ng Pilipinas, kanyang pamilya, at ng kanyang kasambahay na si Yaya Melody.

Sina Pancho Magno, Kiel Rodriguez, at Thia Thomalla naman ang gaganap bilang mga miyembro ng Presidential Security Group (PSG). Bilang mga sundalo, kinailangan ng mga ito na sumailalim sa matinding martial arts training para sa stunts na gagawin sa mga eksena.

Cast ng First Yaya

Source: kielrodriguez (Instagram)

“Tina-try namin na as much as possible ma-perfect namin sa bawat angle ng camera. 'Yun 'yung physicality Tito Lhar, e,” lahad ni Pancho nang makapanayam ni Kapuso reporter Lhar Santiago para sa 24 Oras.

Dagdag pa ni Kiel, sobrang nakatulong sa kanila ang gabay ng aktor na si Michael Roy Jornales, na tumatayong stunt and routine director din ng serye.

“Lahat mahirap siya kaso kung ituturo mo siya nang maayos na step-by-step na ginagawa naman ni Sir Michael sa 'min, nagagawa namin siya ng madali,” aniya.

Kabilang sa mga ineensayo nina Pancho, Kiel, at Thomalla ang MMA, jujitsu, boxing, at kick boxing.

“Binabase ko po 'yung fight routine sa kanilang mga characters so may mga techniques po tayo. Nilagyan po natin ng MMA, meron tayong jujitsu, meron tayong boxing din and kick boxing. Medyo technical 'yung routine na tinuturo ko sa kanila. Tactical approach,” ani Michael.

Bukod sa pagiging stunt and routine director, si Michael ay gaganap din bilang si Danilo Garcia sa serye.

“Ako po si Danilo Garcia dito. Dati po akong empleyado ng Presidente na nagkaroon po ng problema sa opisina and then tinanggal po ako sa trabaho. 'Yung character ko parang nagalit gusto ko maghiganti,” aniya.

Michael Roy Jornales

Source: mykroy

Mula sa direksyon ni LA Madridejos, kasama rin sa cast ng serye sina Cassy Legaspi, Joaquin Domagoso, Maxine Medina, Kakai Bautista, Gardo Versoza, Jon Lucas, Cai Cortez, Rechie Del Carmen, Pilar Pilapil, Sandy Andolong, Glenda Garcia, Analyn Barro, Anjo Damiles, Jerick Dolormente, Jenzel Angeles, Clarence Delgado, Patricia Coma, at Thou Reyes.

Mapanonood na ang First Yaya simula Lunes, March 15, sa GMA.

Silipin ang mga kaganapan sa pilot taping ng First Yaya sa gallery na ito:

Viewers abroad can also watch the series via GMA's flagship international channel, GMA Pinoy TV. For the program guide, visit www.gmapinoytv.com.